Devin Hita

Devin Hita

Sunday, February 20, 2011

        Ang Aking Talambuhay (Angelyn De Ocampo)  


Noong akoy 6 na buwan
             Sa buwan ng pasko sa araw nang disyembre ika-14 taong 1994 ng aking kapanganakan, isinilang ako sa Lusacan,Tiaong Quezon sa pamamagitan ng hilot sa kadahilanang mabilis na paglabas ko sa sinapupunan ng aking ina na si Eugenia M. Malabanan sa ikalabing isa ng gabi at ng ako'y ilabas, ang aking ama nasi Adelmo D. De Ocampo ay di maipaliwanag ang tuwa sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaanak na sila ng babae na nagngangalang Angelyn M. De Ocampo sa pagkakapaliwanag ng aking ina pinagsama nila ang kanilang pangalan na Adelmo para sa A at ang gelyn naman ay katunog ng palayaw ng aking ina na gina.Noong Mayo 31,1995 ay bininyagan ako sa simbahan ng BVM Queen Of The World sa Lusacan,Tiaong Quezon at sa wakas naging ganap na katoliko na ako.

Aking ama
Aking ina
Ang panganay kong kuya
Akimg mga kapatid
Ang aking ina ay isang may bahay lamang samantalang ang aking ama nama'y isang nagtutubigan. Ako ay may tatlong kapatid na sina kuya Richard ang panganay sa amin siya ay ipinanganak taong Enero 6,1989 at ang pangatlo naman ay si kuya Ronel ipinanganak naman siya taong Mayo 31,1990 at ang pangalawa naman ay si kuya Derick na ipinanganak taong Enero 19,1991 at ako naman ang bunso na kaisa-isang unika-iha. Ang buhay namin noon ay simple lamang na kahit mahirap ay kinakaya dahil ang aming haligi ng tahanan ay isang napakasipag at mapagmahal subalit pagkaraan palang ng tatlong buwan na nakakalipas na ipinganak ako sa di inaasahang pangyayari sa malagim na trahedya namatay ang pinakamamahal kong ama na di ko man lamang nasilayan at naparamdam ang aking pagmamahal sa kanya at habang lumalaki ako at nagkakaisip ay nararamdaman ko ang pangungulila at hindi ko man lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ama para sa akin ito’y napakasakit subalit hindi dapat maging hadlang sa halip huwag magpaapekto sa nararamdaman upang sa ganon matuwa ang aking amang nasa langit na.Taong 2000 lumipat kami sa Rosario Batangas dahilan sa nakatagpo muli ang aking ina na mamahalin at nagkaroon sila ng dalawang anak subalit sa kasaamang palad mas lalong naging mahirap at naging kumplikado ang aming pamumuhay dahilan sa ang naging asawa ng aking ina ay isang mglalasing at may tatlong anak sa unang asawa at ang masaklap pa ay lagi silang nag-aaway na may kasama pang sakitan na pati kaming mga anak nila ay  nadadamay at ang hindi ko makakalimutan ay ang mga araw na kapag may nagagawa ako na napakababaw na pagkakamali ay hindi ko matiis ang sakit ng bawat pagpalo nila saakin na ang nagiging sanhi nito ay pagpantal ng aking balat.Noong anim na taong gulang na, ako’y pumasok ng kinder at ang paaralan namin noon ay malapit lamang kung kaya itoy nilalakad ko na lamang at akoy tuwang-tuwa ng akoy nakatapos.
                                                                             

Sa larawang ito ay 7 taong gulang na ako
            Taong 2001 ako'y ibinigay ng aking ina sa aking tiyahin dahilan ng kahirapan at dahil sa pangyayaring ito kaming magkakapatid ay nagkahiwa-hiwalay.Sa mga oras na iyon ay wala pa akong naiintindihan sa mga pangyayari at kinagabihan ding iyon ako’y napaiyak tila bang naghahanap ng kasagutan sa mga bagay na hindi ko matanto. Ito din ang taon na ako’y dinala dito sa Sta. Isabel San Pablo City na kung saan dito nakatira ang kumupkop saakin na aking tiyahin nasi Adelina D.Tan at simula sa araw na iyon at magpahanggang ngayon siya na ang tumayong pangalawang magulang ko at simula ding iyon siya na ang nagpapaaral sa akin kaya noong magpipitong taong gulang ako ay pumasok na ako bilang mag-aaral sa unang baitang sa paaralan na Antonia Manuel Magcase Elementary School at sa unang klase namin noon ako’y umiyak sapagkat naninibago pa ako noon at kapag kami ay nagsusulit at ako’y nahuhuli ay hindi na magkamayaw ang aking pag-iyak at ang di ko makakalimutan ay noong sinaksak ako ng lapis sa braso ng aking kaklase nasi Rona Mae dahilan sa kinuha ko lamang ang kanyang kwaderno dahil sa may tinitingnan ako. Lagi pa akong hatid sundo sa paaralan dahil baka ako’y mabangga ng mga sasakyan.      
                                                             



Ang aking pangalawang pamilya
            Sa pangalawa kong tahanan at mga magulang naging labis ang galak ko dahilan sa itinuring nila ako na parang tunay na anak at hindi ko makakalimutan isa sa mga sinabi ng aking tita na tawagin ko siyang ‘’mommy’’,siya ay isang may bahay lamang at ang kanyang minamahal na asawa nasi Valentino C. Tan ay isang napakasipag at napakaresponsableng ama. Masayang-masaya ako dahilan sa naramdaman ko ang pagmamahal na hinahanap ko sa isang ama at pinagmamalaki ko na mula nang mapapunta ako sa kanila hanggang ngayon ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Sila’y may dalawang anak nasi kuya Arvin ang panganay at si kuya Joho ang bunso.                                                                                                                                                                      

           Noong nasa ikalawang baitang na ako unti-unti na akong nagkakaroon ng kaalaman sa mga asignatura at dahil nga sa bata pa ako ay mahilig kming maglaro ng aking mga kaklase at ang lagi naming nilalaro noon ay sikyo at “jackstone’’. Noong nasa pangatlong baitang na ako sila parin ang naging mga kaklase ko.Noong ikaapat na baiting ako taong 2005 ika-24 ng pebrero sa kauna-unahang pagkakataon naganap ang unang komunyon ko sa simbahan ng Immaculate Conception Parish,masayang-masaya ako  sapagkat nakatanggap ako ng katawan ni kristo at gumaan ang aking pakiramdam dahil sa nasabi ko ang aking mga kasalanan at ito’y pinagsisisihan ko at namayapa sa aking puso’t isip ang konsensya na hindi na muling gagawin ang kasalanang nagawa ko sa aking tita.Noong ikalimang baitang ako may isang pangyayari na hindi ko makakalimutan dahil sa kalikutan ko iyon ay noong naaksidente ako sa paaralan namin.


           
Ang pagtatapos namin sa ika-6 n baitang
Pagtulong namin sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy
          Taong 2006 ako ay nasa ika-6 na baiting na,sa taong ito naging maayos ang aking pag-aaral at ang mga marka ko ay tumaas-taas at dahil dito sa wakas sa kauna-unahang pagkakataon ako ay nagkaroon ng sabit at labis ang aking pagkatuwa noong sa araw ng aking pagtatapos sa ika-6 n baitang.Sa taong ito inimbitahan ako na sumali sa ‘’Batang Atikha Savers Club’’ ang layunin nila ay madisiplina ang mga kabataan sa pag-iimpok ng pera upang saganoon magkaroon ng limitasyon sa tamang paggamit ng pera at upang mahubog ang mga talento ng bawat kabataan kaya tuwing sabado  may mga aktibidad kaming ginagawa katulad ng pagguhit,tamang paraan upang mapagalaw ang mga puppet,at paggawa pa ng ibang bagay.Dito marami akong napatunayan dahil kaya ko palang gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa at naipapakita ko dito ang aking talento sa pagguhit subalit nakakalungkot dahil sa napahinto ako sa pagsali sa kanila sa kadahilanang marami akong ginagawa pero lahat ng aking natutunan sa kanila ay isinasabuhay ko at isa sa di ko makakalimutan ay noong pumunta kami sa Sta. Cruz Laguna upang tulungan ang mga nasalanta ng bayong ondoy at napaka sarap talaga sa pakiramdam na nakatulung ako at nakakatuwa dahil nakikita ko ang bawat ngiti nila.

                                                                                                             

Ang aking mga bestfriend
            Taong 2007 ako ay pumasok sa Dizon High sa unang sekundarya sa unang pasukan sinamahan ako ng aking nanay dahilan sa hindi ko pa kabisado ang daan papuntang paaralan dahil sa ito’y bayan at ang naging seksyon ko ay D.Sa taong ito nakilala ko ang dalawa kong matalik na kaibigan na maasahan sa lahat ng oras at lagi kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay.Saaming klase naging aktibo ako at nagsipag ako sa pagaaral kaya naman noong pangalawang sekundarya tumaas ang aking seksyon na naging B subalit may halong lungkot dahil napahiwalay ako sa aking mga kaibigan pero sa bago kong  mga   kaklase naging masaya naman ako.                                                                                   



Kapwa Kamanggagawa sa Immaculate Conception Parish
           Buwan ng pebrero 2009 ako’y tinawag ng panginoon upang maglingkod sa kanya sa pamamagitan ng mga kaibigan ko sila ang nagsilbing daan upang ako’y makasali at dahil sa kagustuhan ko at bukal sa aking kalooban mas napalapit at tumibay ang aking pananampalataya sa poong maykapal at dahil sa kanya natuto akong magpatawad lalo na sa aking ina dahil sa nagtanim ako ng galit at pagtatampo subalit unti-unti na itong napapawi at sa tahanan ng panginoon marami akong naging mga kaibigan na nagsilbing sandalan ko kapag ako’y may problema at mas natatagpuan ko ang saya at natututo akong makasalimuha sa iba dahilan sa hindi ako nalabas ng bahay.Taong 2009 ako ay nasa ikatlong sekundarya subalit hindi naging madali sa akin sapagkat nahirapan ako sa pag-aaral lalo na sa asignaturang Math dahilan sa napakahirap intindihin subalit tulong ng mga kaklase ko nalagpasan ko ito at dahil sa pagtitiyaga ko wala akong bagsak kahit isa at ako’y nagagalak sa tuwa noong panahong iyon.


Aking mga kaibigan
4-Blazers
          Ngayon naman nasa ikaapat na sekundarya na ako at malapit-lapit na rin ang aming pagtatapos.Masayang-masaya ako dahil sa aking apat na taon na paghihirap dahil naging maganda ang bunga ng aking pagsisikap at ito ang pinakamasayang taon dahil maraming pangyayari na naganap sa taong ito na hindi ko makakalimutan katulad ng manalo ang aming seksyon sa ‘’Cheer dance” dahil sa aming pagkakaisa, pagtitiwala sa isa’t-isa at pananalig sa poong maykapal na kaya namin at ang hindi ko makakalimutan sa aming magkaklase ay hindi nawawala ang aming pagtutulungan at pagkakaisa.Sa taong ito nagkaroon ako ng paghanga sa isang tao dahil sa kanyang pag-uugali na wala sa ibang mga lalaki at nagustuhan ko siya dahil siya’y simpleng tao,maginoo at hindi suplado kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya at nito lamang nakaraang ika-11 ng pebrero naganap ang ‘’JS prom’’ at naging  masaya ako dahil isinayaw niya ako pero sa ngayon hanggang paghanga lamang muna dahil gusto ko munang tumutok at makapagtapos ng pag-aaral. Sa ngayon patuloy-tuloy muna ako sa aking pag-aaral para sa pinakahihintay  naming pagtatapos sa Abril 2,2011.


No comments:

Post a Comment