Devin Hita

Devin Hita

Thursday, March 24, 2011



    TALAMBUHAY NI  JERIC REYES
my tekken character

                               
               Ako po si Jeric Reyes, nakatira sa Brgy Dulong Bayan, San Pablo City, Laguna Province, Philippines. Ako po ay pinanganak noong May 16, 1992. Ang aking ama ay si RamonSito Reyes at ang aking ina naman ay si leonila Reyes pate ang aking medyo makulit na kapatid ay sina Arlene,Jojo,RAmoncito,Benidict,Kenneth,Marvin,.Ako ay laki sa isang simpleng pamilya, masaya at tahimik lang. tahimik nga lang pala ako pero marammi din akong kaibigan. masikreto kasi ako, hindi ako makuwento baka sabihin nila nagyayabang ako at dahil na rin sa wala akong tiwala sa iba. marami akong bestfriends. hindi kasi ako marunong magtiwala sa iba eh. ako nga pala ay pumasok noong nasa elementary pa ako ay dun lang din sa malapet samen sa Bagong Bayan Elementary School,sa district ng Fule Almeda.                  Noong kinder hanggang grade two ay kasama ako sa mga honor students,sa katunaygan nga ay second ay second ako noong kinder at grade one pero noong grade two ay naging third placer na lang ako. Ang galing kasi ng nakalaban ko si Shidrex Gonzales na dapat ay nasa science section,kaya yon,siya ang naging second at ako'y naging third na lang.Noong naging grade three naman ako ay may napadagdag na naman galing christian school, babae naman siya, catherine S, Yao. Napalitan na ako, siya ang naging third placer at ako naman ay naging fourth na lang.Sobra akong nalungkot noon,pero ayus lang yun,kasalanan ko din naman ehh.Nagpabaya ako sa pag-aaral ko puro laro na lang ang aking inatupag at ginawa.At noong nag grade four ako eh nagpatuli naman ako,grabe!sobang sakit ay!Pagpasok ko ng grade four doon na nagsimula ang pagbagsak ko,hinding-hindi na talaga akonapasama sa mag honor students.Noong bakasyon naman bago ako tumuntong ng grade five,nagkabulutong naman ako.Hanep,sunod-sunod ang mag kamalasan na nakuha ko. Tapos noong grade five naman ay nagtino na ako kaso ganoon pa din ang nangyari.At noong graduating o grade six na ako mas dumame naman ang naging kaibigan ko.napakadame ko talagang napagdaanan sa mga larong video games kaya nga adik na adik ako sa larong tekken ehh.pagkaawas ko ay practice ako ng practice hanggang sa gumaling ako at noong malapit na ang graduation naman ay sobrang saya ko na medyo malungkot. Masaya kasi,"Yes,sa wakas Makakagraduate na din ako. Malungkot naman dahil maiiwan ko ang aking mga kaibigan, magkakahiwalay-hiwalay kami,pero ayos lang yon, kasi makakatungtong naman ako ng high school,panibagong yugto ng pag-aaral ko na naman.                                                                                                                                                                                                          Logo ng  NBA                                                                                                                                Pagkalipas nga ilang buwan ay nakapg-enrol na ako sa Col. Lauro D.     Dizon Memorial National High School. At nooong high school naman, noong una, parang kinakabahan at nakakatakot akong magfirst year kasi pagpasok ko, hindi ko kasama sa loob ng class room ang mga dati kong kaibigan, pero noong nagtagal ay nakahanap na din ako ng mga kaibigan, una kong nakilala ay ang medyo kalapit na upuan ko si Mark patos naging barkada ko na rin ang mga barkada niya. Sila Patrick, Eman, Lacap at marami pang iba. Palagi nga kaming magkakagroup sa mga ipinapagawang activities ehh. Noong first year, marami akong naranasang masaya at minsan naman ay malungkot. Naging favorite teacher ko nga pala oon ay Mrs. Donna Bautista, ang galing niyang magturo ng science subject na halos nga lahat kami ay nakikinig sa kanya ng mabuti. pero mahusay din naman ang mga naging teacher ko ng first year, sina Mrs. Belen, adviser ko, Mrs. Juliano, Mrs. Ablies, Mr. Calabia, Ms. Miranda at si Mr. Carag. Dami kong experience nung freshmen pa ako. Pagkatapos noon, nakatungtong naman ako ng second year, oo nga pala ang section ko nung 1st yr. ay 1-C, ngayong 2nd yr. naman ay umangat ng isa, naging II-B, masaya ako pero malungkot kasi sobrang kaclose ko na ung mga dati kongkaklase tapos maiiwan ko lang sila. Ito na naman, maghahanap na naman ng mga panibagong kabarkada. Ibang-iba pala kapag medyo higher section na. Dapat aral ka ng aral ka palagi. At ang galing mga teacher magturo, sina Mrs. Sotalbo, adviser ko. Mrs. Bilula, favorite teacher ko yon (Filipino Teacher), Mrs. Perez, Mr. Calanasan, Ms. Perez, Ms. Evangelista, Ms. Rivera at si Ms. Nuevo (Math Teacher). Ngayong taon na ito, naranasan ko ang magkagirlfriend, ang saya pala magka-GF, ang bait kasi at ang sweet ni Gladys, ang ganda pa nga niya ehh. August 8, 2008 nga pala niya ako sinagot 8-8-8. Swerte daw yun. Nagtagal din naman kahit papaano ang aming pagsasama pero nung malapit na ang aming 3rd monthsary,nagbreak kami. Hay naku! kakalungkot pala. Noong makalipas nun ay aral na ako,eto na lang pinagtuunan ko ng pansin. Nagpresent nga pala din kami ng Florante at Laura, nung 1st. yr ay Ibong Adarna. Hay! Salamat naman 3rd yr. na ako, hirap pala mag-high school.III-B nga pala ang section ko ngayon, ayon masaya din ang third year ko, dami kong naging kaibigan ulit kaso nagpabaya na ako sa aking pag-aaral. Tinamad na kasi akong pumasok ehh. Awa naman ng diyos, natapos ko ang third year . hahahaha!!!.                                                                                                            4-BLAZERS                       Forth year na ako as in graduating na ako!!sa wakas. Pero sabi ng iba madami activities sa 4th year e ayon pa naman ang ayaw ko. Ayon lalo baba ng grades ko pero ayos na din nakapasa naman eh. Di ko nga pala nasabi ang mga hilig ko, pinakahilig kong gawin ay maglaro ng teken sa videogames na agad ako sa amin hanggang ngayong high school. Ito pa rin ang ginagawa ko! ha ha ha walang sawa!!! saya kasi. Tuwing bakasyon nga pala, tuwing araw ng Sabado at Linggo ay nagtitinda ako sa palengke ng mga gulay doon sa tiyahin ko. Sayang din kase ang kinikita ko, nakakabili ako ng gusto ko at nakakatulong din ako sa magulang ko. Sa pamamagitan nito malapit na akong makapagtapos ng high school. Salamat naman sa Diyos! Nawa makapag college ako kahit man lang 2 year course. Marami po kasi akong pangarap sa pamilya ko at sa magiging pamilya ko. Eto po ang buhay ko pero konti palang ito dahil hindi pa dito nagtatapos ang kwento ng buhay ko ang buhay ng Teken Master ng N-B si Jeric Reyes.
Graduation cap

Tuesday, March 22, 2011


 Ang Tekken Master ng 4-B
                    si Jay-m
My character in Tekken

mga JS BOYS
               Ako po si Jay-m Uri Laguras, nakatira sa 063 Carnation St. Lozada Subd. Brgy. Concepcion, San Pablo City, Laguna Province, Philippines. Ako po ay pinanganak noong March 28, 1994. Ang aking ama ay si Medel Laguras at ang aking ina naman ay si evangeline laguras pate ang aking medyo makulit na kapatid ay sina Jc, John Paul, Princess, precious, otoy at nene.Ako ay laki sa isang simpleng pamilya, masaya at tahimik lang. tahimik nga lang pala ako pero marammi din akong kaibigan. masikreto kasi ako, hindi ako makuwento baka sabihin nila nagyayabang ako at dahil na rin sa wala akong tiwala sa iba. 
         
                 Marami akong bestfriends. hindi kasi ako marunong magtiwala sa iba eh. ako nga pala ay pumasok noong nasa elementary pa ako ay dun lang din sa malapet samen sa Concepcion Elementary School,sa district ng Sto. Angel noong kinder hanggang grade two ay kasama ako sa mga honor students,sa katunaygan nga ay second ay second ako noong kinder at grade one pero noong grade two ay naging third placer na lang ako. Ang galing kasi ng nakalaban ko si Shidrex Gonzales na dapat ay nasa science section,kaya yon,siya ang naging second at ako'y naging third na lang.Noong naging grade three naman ako ay may napadagdag na naman galing christian school, babae naman siya, catherine S, Yao. Napalitan na ako, siya ang naging third placer at ako naman ay naging fourth na lang.Sobra akong nalungkot noon,pero ayus lang yun,kasalanan ko din naman ehh.Nagpabaya ako sa pag-aaral ko puro laro na lang ang aking inatupag at ginawa.At noong nag grade four ako eh nagpatuli naman ako,grabe!sobang sakit ay!Pagpasok ko ng grade four doon na nagsimula ang pagbagsak ko,hinding-hindi na talaga akonapasama sa mag honor students.Noong bakasyon naman bago ako tumuntong ng grade five,nagkabulutong naman ako.Hanep,sunod-sunod ang mag kamalasan na nakuha ko.

nang kami ay nag JS PROM

          Tapos noong grade five naman aynagtino na ako kaso ganoon pa din ang nangyari.At noong graduating o grade six na ako mas dumame naman ang naging kaibigan ko.napakadame ko talagang napagdaanan sa mga larong video games kaya nga adik na adik ako sa larong tekken ehh.pagkaawas ko ay practice ako ng practice hanggang sa gumaling ako at noong malapit na ang graduation naman ay sobrang saya ko na medyo malungkot. Masaya kasi,"Yes,sa wakas Makakagraduate na din ako. Malungkot naman dahil maiiwan ko ang aking mga kaibigan, magkakahiwalay-hiwalay kami,pero ayos lang yon, kasi makakatungtong naman ako ng high school,panibagong yugto ng pag-aaral ko na naman.Pagkalipas nga ilang buwan ay nakapg-enrol na ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. At nooong high school naman, noong una, parang kinakabahan at nakakatakot akong magfirst year kasi pagpasok ko, hindi ko kasama sa loob ng class room ang mga dati kong kaibigan, pero noong nagtagal ay nakahanap na din ako ng mga kaibigan, una kong nakilala ay ang medyo kalapit na upuan ko si Mark patos naging barkada ko na rin ang mga barkada niya. Sila Patrick, Eman, Lacap at marami pang iba. Palagi nga kaming magkakagroup sa mga ipinapagawang activities ehh.

            Noong first year, marami akong naranasang masaya at minsan naman ay malungkot. Naging favorite teacher ko nga pala noon ay Mrs. Donna Bautista, ang galing niyang magturo ng science subject na halos nga lahat kami ay nakikinig sa kanya ng mabuti. pero mahusay din naman ang mga naging teacher ko ng first year, sina Mrs. Belen, adviser ko, Mrs. Juliano, Mrs. Ablies, Mr. Calabia, Ms. Miranda at si Mr. Carag. Dami kong experience nung freshmen pa ako.
                                                                                                                                                                                                                                                              Pagkatapos noon, nakatungtong naman ako
JS PROM
ng second year, oo nga pala ang section ko nung 1st yr. ay 1-C, ngayong 2nd yr. naman ay umangat ng isa, naging II-B, masaya ako pero malungkot kasi sobrang kaclose ko na ung mga dati kongkaklase tapos maiiwan ko lang sila. Ito na naman, maghahanap na naman ng mga panibagong kabarkada. Ibang-iba pala kapag medyo higher section na. Dapat aral ka ng aral ka palagi. At ang galing mga teacher magturo, sina Mrs. Sotalbo, adviser ko. Mrs. Bilula, favorite teacher ko yon (Filipino Teacher), Mrs. Perez, Mr. Calanasan, Ms. Perez, Ms. Evangelista, Ms. Rivera at si Ms. Nuevo (Math Teacher). Ngayong taon na ito, naranasan ko ang magkagirlfriend, ang saya pala magka-GF, ang bait kasi at ang sweet ni Gladys, ang ganda pa nga niya ehh. August 8, 2008 nga pala niya ako sinagot 8-8-8. Swerte daw yun. Nagtagal din naman kahit papaano ang aming pagsasama pero nung malapit na ang aming 3rd monthsary,nagbreak kami. Hay naku! kakalungkot pala. Noong makalipas nun ay aral na ako,eto na lang pinagtuunan ko ng pansin. Nagpresent nga pala din kami ng Florante at Laura, nung 1st. yr ay Ibong Adarna.
           
             Hay! Salamat naman 3rd yr. na ako, hirap pala mag-high school.III-B nga pala ang section ko ngayon, ayon masaya din ang third year ko, dami kong naging kaibigan ulit kaso nagpabaya na ako sa aking pag-aaral. Tinamad na kasi akong pumasok ehh. Awa naman ng diyos, natapos ko ang third year . hahahaha!!!. Forth year na ako as in graduating na ako!!sa wakas. Pero sabi ng iba madami activities sa 4th year e ayon pa naman ang ayaw ko. Ayon lalo baba ng grades ko pero ayos na din nakapasa naman eh. Di ko nga pala nasabi ang mga hilig ko, pinakahilig kong gawin ay maglaro ng teken sa videogames na agad ako sa amin hanggang ngayong high school. Ito pa rin ang ginagawa ko! ha ha ha walang sawa!!! saya kasi. Tuwing bakasyon nga pala, tuwing araw ng Sabado at Linggo ay nagtitinda ako sa palengke ng mga gulay doon sa tiyahin ko. Sayang din kase ang kinikita ko, nakakabili ako ng gusto ko at nakakatulong din ako sa magulang ko. Sa pamamagitan nito malapit na akong makapagtapos ng high school. Salamat naman sa Diyos! Nawa makapag college ako kahit man lang 2 year course. Marami po kasi akong pangarap sa pamilya ko at sa magiging pamilya ko. Eto po ang buhay ko pero konti palang ito dahil hindi pa dito nagtatapos ang kwento ng buhay ko ang buhay ng Teken Master ng N-B si Jay-M Uri, Lagurras.
nang kami ay nag champion ng cheerdance


Sunday, February 20, 2011

        Ang Aking Talambuhay (Angelyn De Ocampo)  


Noong akoy 6 na buwan
             Sa buwan ng pasko sa araw nang disyembre ika-14 taong 1994 ng aking kapanganakan, isinilang ako sa Lusacan,Tiaong Quezon sa pamamagitan ng hilot sa kadahilanang mabilis na paglabas ko sa sinapupunan ng aking ina na si Eugenia M. Malabanan sa ikalabing isa ng gabi at ng ako'y ilabas, ang aking ama nasi Adelmo D. De Ocampo ay di maipaliwanag ang tuwa sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaanak na sila ng babae na nagngangalang Angelyn M. De Ocampo sa pagkakapaliwanag ng aking ina pinagsama nila ang kanilang pangalan na Adelmo para sa A at ang gelyn naman ay katunog ng palayaw ng aking ina na gina.Noong Mayo 31,1995 ay bininyagan ako sa simbahan ng BVM Queen Of The World sa Lusacan,Tiaong Quezon at sa wakas naging ganap na katoliko na ako.

Aking ama
Aking ina
Ang panganay kong kuya
Akimg mga kapatid
Ang aking ina ay isang may bahay lamang samantalang ang aking ama nama'y isang nagtutubigan. Ako ay may tatlong kapatid na sina kuya Richard ang panganay sa amin siya ay ipinanganak taong Enero 6,1989 at ang pangatlo naman ay si kuya Ronel ipinanganak naman siya taong Mayo 31,1990 at ang pangalawa naman ay si kuya Derick na ipinanganak taong Enero 19,1991 at ako naman ang bunso na kaisa-isang unika-iha. Ang buhay namin noon ay simple lamang na kahit mahirap ay kinakaya dahil ang aming haligi ng tahanan ay isang napakasipag at mapagmahal subalit pagkaraan palang ng tatlong buwan na nakakalipas na ipinganak ako sa di inaasahang pangyayari sa malagim na trahedya namatay ang pinakamamahal kong ama na di ko man lamang nasilayan at naparamdam ang aking pagmamahal sa kanya at habang lumalaki ako at nagkakaisip ay nararamdaman ko ang pangungulila at hindi ko man lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ama para sa akin ito’y napakasakit subalit hindi dapat maging hadlang sa halip huwag magpaapekto sa nararamdaman upang sa ganon matuwa ang aking amang nasa langit na.Taong 2000 lumipat kami sa Rosario Batangas dahilan sa nakatagpo muli ang aking ina na mamahalin at nagkaroon sila ng dalawang anak subalit sa kasaamang palad mas lalong naging mahirap at naging kumplikado ang aming pamumuhay dahilan sa ang naging asawa ng aking ina ay isang mglalasing at may tatlong anak sa unang asawa at ang masaklap pa ay lagi silang nag-aaway na may kasama pang sakitan na pati kaming mga anak nila ay  nadadamay at ang hindi ko makakalimutan ay ang mga araw na kapag may nagagawa ako na napakababaw na pagkakamali ay hindi ko matiis ang sakit ng bawat pagpalo nila saakin na ang nagiging sanhi nito ay pagpantal ng aking balat.Noong anim na taong gulang na, ako’y pumasok ng kinder at ang paaralan namin noon ay malapit lamang kung kaya itoy nilalakad ko na lamang at akoy tuwang-tuwa ng akoy nakatapos.
                                                                             

Sa larawang ito ay 7 taong gulang na ako
            Taong 2001 ako'y ibinigay ng aking ina sa aking tiyahin dahilan ng kahirapan at dahil sa pangyayaring ito kaming magkakapatid ay nagkahiwa-hiwalay.Sa mga oras na iyon ay wala pa akong naiintindihan sa mga pangyayari at kinagabihan ding iyon ako’y napaiyak tila bang naghahanap ng kasagutan sa mga bagay na hindi ko matanto. Ito din ang taon na ako’y dinala dito sa Sta. Isabel San Pablo City na kung saan dito nakatira ang kumupkop saakin na aking tiyahin nasi Adelina D.Tan at simula sa araw na iyon at magpahanggang ngayon siya na ang tumayong pangalawang magulang ko at simula ding iyon siya na ang nagpapaaral sa akin kaya noong magpipitong taong gulang ako ay pumasok na ako bilang mag-aaral sa unang baitang sa paaralan na Antonia Manuel Magcase Elementary School at sa unang klase namin noon ako’y umiyak sapagkat naninibago pa ako noon at kapag kami ay nagsusulit at ako’y nahuhuli ay hindi na magkamayaw ang aking pag-iyak at ang di ko makakalimutan ay noong sinaksak ako ng lapis sa braso ng aking kaklase nasi Rona Mae dahilan sa kinuha ko lamang ang kanyang kwaderno dahil sa may tinitingnan ako. Lagi pa akong hatid sundo sa paaralan dahil baka ako’y mabangga ng mga sasakyan.      
                                                             



Ang aking pangalawang pamilya
            Sa pangalawa kong tahanan at mga magulang naging labis ang galak ko dahilan sa itinuring nila ako na parang tunay na anak at hindi ko makakalimutan isa sa mga sinabi ng aking tita na tawagin ko siyang ‘’mommy’’,siya ay isang may bahay lamang at ang kanyang minamahal na asawa nasi Valentino C. Tan ay isang napakasipag at napakaresponsableng ama. Masayang-masaya ako dahilan sa naramdaman ko ang pagmamahal na hinahanap ko sa isang ama at pinagmamalaki ko na mula nang mapapunta ako sa kanila hanggang ngayon ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Sila’y may dalawang anak nasi kuya Arvin ang panganay at si kuya Joho ang bunso.                                                                                                                                                                      

           Noong nasa ikalawang baitang na ako unti-unti na akong nagkakaroon ng kaalaman sa mga asignatura at dahil nga sa bata pa ako ay mahilig kming maglaro ng aking mga kaklase at ang lagi naming nilalaro noon ay sikyo at “jackstone’’. Noong nasa pangatlong baitang na ako sila parin ang naging mga kaklase ko.Noong ikaapat na baiting ako taong 2005 ika-24 ng pebrero sa kauna-unahang pagkakataon naganap ang unang komunyon ko sa simbahan ng Immaculate Conception Parish,masayang-masaya ako  sapagkat nakatanggap ako ng katawan ni kristo at gumaan ang aking pakiramdam dahil sa nasabi ko ang aking mga kasalanan at ito’y pinagsisisihan ko at namayapa sa aking puso’t isip ang konsensya na hindi na muling gagawin ang kasalanang nagawa ko sa aking tita.Noong ikalimang baitang ako may isang pangyayari na hindi ko makakalimutan dahil sa kalikutan ko iyon ay noong naaksidente ako sa paaralan namin.


           
Ang pagtatapos namin sa ika-6 n baitang
Pagtulong namin sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy
          Taong 2006 ako ay nasa ika-6 na baiting na,sa taong ito naging maayos ang aking pag-aaral at ang mga marka ko ay tumaas-taas at dahil dito sa wakas sa kauna-unahang pagkakataon ako ay nagkaroon ng sabit at labis ang aking pagkatuwa noong sa araw ng aking pagtatapos sa ika-6 n baitang.Sa taong ito inimbitahan ako na sumali sa ‘’Batang Atikha Savers Club’’ ang layunin nila ay madisiplina ang mga kabataan sa pag-iimpok ng pera upang saganoon magkaroon ng limitasyon sa tamang paggamit ng pera at upang mahubog ang mga talento ng bawat kabataan kaya tuwing sabado  may mga aktibidad kaming ginagawa katulad ng pagguhit,tamang paraan upang mapagalaw ang mga puppet,at paggawa pa ng ibang bagay.Dito marami akong napatunayan dahil kaya ko palang gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa at naipapakita ko dito ang aking talento sa pagguhit subalit nakakalungkot dahil sa napahinto ako sa pagsali sa kanila sa kadahilanang marami akong ginagawa pero lahat ng aking natutunan sa kanila ay isinasabuhay ko at isa sa di ko makakalimutan ay noong pumunta kami sa Sta. Cruz Laguna upang tulungan ang mga nasalanta ng bayong ondoy at napaka sarap talaga sa pakiramdam na nakatulung ako at nakakatuwa dahil nakikita ko ang bawat ngiti nila.

                                                                                                             

Ang aking mga bestfriend
            Taong 2007 ako ay pumasok sa Dizon High sa unang sekundarya sa unang pasukan sinamahan ako ng aking nanay dahilan sa hindi ko pa kabisado ang daan papuntang paaralan dahil sa ito’y bayan at ang naging seksyon ko ay D.Sa taong ito nakilala ko ang dalawa kong matalik na kaibigan na maasahan sa lahat ng oras at lagi kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay.Saaming klase naging aktibo ako at nagsipag ako sa pagaaral kaya naman noong pangalawang sekundarya tumaas ang aking seksyon na naging B subalit may halong lungkot dahil napahiwalay ako sa aking mga kaibigan pero sa bago kong  mga   kaklase naging masaya naman ako.                                                                                   



Kapwa Kamanggagawa sa Immaculate Conception Parish
           Buwan ng pebrero 2009 ako’y tinawag ng panginoon upang maglingkod sa kanya sa pamamagitan ng mga kaibigan ko sila ang nagsilbing daan upang ako’y makasali at dahil sa kagustuhan ko at bukal sa aking kalooban mas napalapit at tumibay ang aking pananampalataya sa poong maykapal at dahil sa kanya natuto akong magpatawad lalo na sa aking ina dahil sa nagtanim ako ng galit at pagtatampo subalit unti-unti na itong napapawi at sa tahanan ng panginoon marami akong naging mga kaibigan na nagsilbing sandalan ko kapag ako’y may problema at mas natatagpuan ko ang saya at natututo akong makasalimuha sa iba dahilan sa hindi ako nalabas ng bahay.Taong 2009 ako ay nasa ikatlong sekundarya subalit hindi naging madali sa akin sapagkat nahirapan ako sa pag-aaral lalo na sa asignaturang Math dahilan sa napakahirap intindihin subalit tulong ng mga kaklase ko nalagpasan ko ito at dahil sa pagtitiyaga ko wala akong bagsak kahit isa at ako’y nagagalak sa tuwa noong panahong iyon.


Aking mga kaibigan
4-Blazers
          Ngayon naman nasa ikaapat na sekundarya na ako at malapit-lapit na rin ang aming pagtatapos.Masayang-masaya ako dahil sa aking apat na taon na paghihirap dahil naging maganda ang bunga ng aking pagsisikap at ito ang pinakamasayang taon dahil maraming pangyayari na naganap sa taong ito na hindi ko makakalimutan katulad ng manalo ang aming seksyon sa ‘’Cheer dance” dahil sa aming pagkakaisa, pagtitiwala sa isa’t-isa at pananalig sa poong maykapal na kaya namin at ang hindi ko makakalimutan sa aming magkaklase ay hindi nawawala ang aming pagtutulungan at pagkakaisa.Sa taong ito nagkaroon ako ng paghanga sa isang tao dahil sa kanyang pag-uugali na wala sa ibang mga lalaki at nagustuhan ko siya dahil siya’y simpleng tao,maginoo at hindi suplado kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya at nito lamang nakaraang ika-11 ng pebrero naganap ang ‘’JS prom’’ at naging  masaya ako dahil isinayaw niya ako pero sa ngayon hanggang paghanga lamang muna dahil gusto ko munang tumutok at makapagtapos ng pag-aaral. Sa ngayon patuloy-tuloy muna ako sa aking pag-aaral para sa pinakahihintay  naming pagtatapos sa Abril 2,2011.


Ang aking Talambuhay Sharmaine Causon

Ako ito


     Ako si Sharmaine Almario Causon.Nakatira ako saSan Francisco Calihan San Pablo City.Ako ay 17 taong gulang na.Nabuo ako sa pagmamahalan nina Juanito Causon at Gina Causon.Kame ay 14 na magkakapatid. Ang aking mga kapatid ay sina Shiena marie,Shara joy,Sherry ann,Sherry lyn,Shirly,Jonathan,Jayson,Shiela mae,Shyrine,Shyrose,Shane,Shanel,Shahanie.

Noong ako ay 4th year 
Nung ako ay natutong maglakad

      Noong ako ay pinagbubuntis pa lamang ng aking ina ay tuwang tuwa siya dahil alam nyana malusog na bata ang kanyang iluluwal.Noong ika 18 na oktubre ay ipinanganak ako ng aking ina.Tuwang tuwa sila dahil malusog na bata ako at mukang mabait.Kaya ako pinangalanang Sharmaine aydahil sa malambing na bigkas nito na nakuha sa aking muka.Sanggol  pa lang ako,noong nawala lahat ng parang bula an gaming mga negosyo.Hindi nagging  hadlang ang mga masasamang nangyari sa aming buhay.Bagkus ay nagsikap ang akina ama na buhayin kame at pinangako nila na pagtatapusin kames a pag aaral.


Nung ako ay umabay

Ang aking mga kapatid

Kaming mag kakapatid

     Pinaghandaan nila ang aking unang kaarawan.Buong pamilya namen ay nagsalo salo sa handaan.Bata pa lana ako ay tinuturuan na ako ng akina ama at ina na maglakad.Kapag nadadapa ako at nasusugatan ay sinasabi nilang matuto akona tumindig sa sarili kong mga paa.Habang lumalaki ako at nagkakaisip ay tinuturuan nila ako ng mga numeroat alpabeto.Tinuturuan narin  nila ako magbasa ng tagalong kata bago pa ako tumuntong sa kinder ay marunong na ako.Noong pumasok na ako sa kinder ay lagi akong hated sundo ng aking ina.Araw araw din nila akong tinuturuan at kapag alam ko na ang tinuturo nila ay nagagalit ako.Nawalan na ako ng oras para maglaro dahil napokus ang aking sarili sa kung ano ang gusto ng aking magulang.Iniisip ko na din a ako mahal ng aking mga magulang dahil lage nila akong pinapagalitan.Isang araw ay inabot ako ng malakas na ulan at agad agad akong sinundo ng aking ina.Binantayan nya ako hanggan sa gumaling ako sa aking lagnat.Doon ay naramdaman ko na mahal pala nila ako at naisip ko na nagkamali ako.


     Noong pumasok ako sa elementary ay nagsikap ako sa pagaaral.Kahit na namamalo ang aking guro ay hindi ko naranasang mapalo dahil sinusunod ko lahat ng kanilang sinasabi.Pumasok ako sa Sts.Maria Elementary School.Lumipat ako sa ibang paaralan dahil sa kalayuan ng aking paaralan sa aking tinitirahan.Lumipat ako sa paaralan ng Soledad noong ako ay nasa ika 5 baitang na.Mas lalo kong pinagbutihan ang aking pag aaral at sa kabutihang palad ay napataas ko ang aking mga marka.Sumali ako sa balagtasan.Naging interisado ako sa pag gawa ng diyaryo.Nanalo kame ng 3rd place sa broad casting.Binigyan kame ng katunayan sa aming paglahok.Mas lalong napansin ang aking talent ng aking magulang pati narin ng aking mga guro.Tuwang tuwa ang aking guro dahil elementary pa lang ako ay nagsasanay na ako magsalita ng ingles.Noong nasa ika 6 na baiting na ako ay marame pa akong natutunan.Sobrang bait atmagaling na guro ang nagturo sa akin kaya napamahal siya sa akin.Sa kasamaang palad ay kinailangan niyang umalis para maging punong guro sa ibang paaralan.Masakit man para sa akin ay Masaya narin ako dahil natutupad nya ang pangarap niya sa buhay.Bago siya tuluyang umalis ay sinabi niya sa akin na mag aral ako ng mabuti at tuparin ko lahat ng aking pangarap na maging isang  mabuting guro paglaki ko.Sinabi rin niya na humanap ako ng mabubuting kaibigan na tutulong sa akin para matupad ko ang akina mga pangarap.Nagtapos  ako sa elementary.Nagkamit ako ng 2 medalya,ang una ay para sa 2nd place sa sports writing at ang 2 ay para sa 1st place sa achievers.
   Noong nag enrolan ay bigla akong kinabahan dahil sa bagong buhay na aking haharapin.Bagong mga guro,paaralan,at mga kaibigan.Nabilang ako sa pangalawa sa mataas na seksyon.Naisip ko na marami akong kakompetensya.Noong nagpasukan na ay bigla akong pinanghinaan ng loob dahil saw ala akong gaanong kakilala sa paaralan ng col.lauro d.dizon memorial nat’l high school.Hanggan sa nakilala ko si Krislyn Cacao.Itinuring ko siya bilang kauna unahan kaibigan.Sa kasamaang palad ay nag away kame dahil sa isang litrato lamang hanggan sa may nanira  at lalong lumala an gaming alitan.Nang humingi siya ng paumanhin ay di ko ito tintnggap agad.Natutunan ko ang aking pagkakamali ngunit huli na ang lahat kaya mas minabuti kong wag na lang pansinin.Habang tumatagaj ay marame na akong naging kaibigan.Noong nasa ika 2 antas na ako ng sekondarya marami akong nagging problema pero nalutas ko iyon sa tulong ng aking mga kaibigan.
ako ito!

ako nung 4th year
   Noong nasa ika 3 na ako ng sekondarya  ay naiba na ang takbo ng buhay ko.Naramdaman ko bigla na gusto ko maging mglaya at gawin ang lahat ng gusto ko.Sa panahon na ito ko naramdaman na magmahal.Nagkaroon ako ng kaibigan na tomboy.Habang tumatagal ay napalapit kames a isat isa.Niligawan niya ako.Napasagot niya na lang ako bigla dahil isa siya sa importanteng tao sa buhay ko.Sinuway ko lahat ng kaibigan ko dahil ipinaglaban ko ang aking nararamdaman noon.Nagsisisi ako dahil hindi ko sinunod ang mga kaibigan ko kaya sa huli ay nasaktan lang ako.Napabayaan ko ang lahat.Napabayaan ko ang aking pag aaral.Nawalan ng direksyon ang buhay ko.Balewala na sa akin ang lahat na pinaghirapan ko simula pa nung ako ay bata pa lamang.Wala na akong nagawa kundi tanggapin.Noong bumalik siya,tinaggap ko siya bilang kaibigan lang.Hindi ko  na binigyan ng pagkakataon an gaming mga sarili dahil alam naming mali iyon.Nanghinayang at nagsisi ako sa huli.Nalaman ko na mali ang pabigla bigla sa pagdidisisyon.Ngunit wala na ako magagawa kundi ang tanggapin ang nangyari.Pinilit kong mag move on.Ilan na ang angina bf ko pero walang nakapagpabago sa akin.Nang nasa ika 4 na antas na ako napabilang na ako sa pangkat b.Nagkaroon ako ng bagong mga kaibigan pero kahit na magkakahiwalay kame ng mga kaibigan ko sa a ay andyan parin sila.Kahit na nagkaroon kame ng d pagkakaunawaan ay naayos parin naming ito.Napatunayan lang namen na magkakaibigan kame talaga.Ngayon ay Masaya na ako  dahil nahanap ko na ang lalakeng nagpabago sa aking ugali at ito ay si Jhay ar Amoda.Hindi man ako sigurado na siya ang makakasama ko habang buhay ay Masaya na rin ako dahil naging parte siya ng buhay ko.Marame akong natutuntan.Nalaman ko din kung pano magpakatotoo sa sarili.Ang mag pangyayaring ito sa aking buhay ay magsisilbing ala ala na akina pagkabata.    

Saturday, February 19, 2011

Ang Aking Talambuhay (Devin Hita)

ngayong ako ay 16 years old na
ng ako ay nagtapos ng elementarya
si angelo na nakatatanda sa aken at ako

      Sa pag-uumpisa ng inyong pagbasa sa aking talambuhay, sana ay maging inspirasyon ito sa inyo. Sa mga katulad kong pinagsasabay ang pag-aaral, pagtulong sa pamilya at pagtatrabaho para sa personal na pangangailangan, sana ay magsilbi akong magandang halimbawa.
      Siguro nga ay sa una ay pasaway ako pero habang may pagkakataon ay kaya ng kahit na sino na magbago. Sana ay magustuhan ninyo ang pitak na ito.
      Lumaki akong nabiyayaan lamang ng tatlong kayamanan: ang aking pamilya mga kaibigan at ang edukasyon.
     Ang aking ina ay si Luningning Diamante Hita. Isinilang siya noong ika-20 ng Agosto 1966. Walong taon na siyang mananahi at nagsisilbing kaagapay ng aking ama sa pagtaguyod sa amin. Ang aking ama naman ay si Domingo Hachero Hita. Isinilang siya noong ika-6 ng Nobyembre 1960 at isang manininda sa palengke. Kasalukuyan kaming naninirahan sa Purok VI Mahabang Parang St. San Francisco, Lunsod ng San Pablo.  Lima kaming magkakapatid. Si Mark Jun ang aking panganay na kapatid. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Stalder Laboratories bilang isang production worker at nagtapos ng kursong AB Psychology sa Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo. Michael Glenn naman ang pangalan ng ikalawa kong kapatid. Ngayon ay nasa Iloilo siya at nagtatrabaho sa kaibigan ng aming pamilya. Ikatlo ay si Mike Angelo na nasa ikaunang antas ng kolehiyo sa parehong kursong kinuha ng aking panganay na kapatid sa naturan ding kolehiyo. Ako ang ikaapat sa amin at sinundan ng bunso at kaisa-isa kong kapatid na babae na si Ludelyn. Nasa ika-5 grado na siya sa elementarya at palaging kasama sa mga pinakamagaling sa kanilang pangkat.
     Maglaro lamang at magutom ang alam ko noong di pa ako pumapasok, pero tinuruan ako ng una kong guro, ang aking ina, ng mga aral na dapat matutunan ng mga may mura pang isip. Ang simpleng pagsunod sa mga pinag-uutos ni Mama ang una kong natutunan. Siya ang una kong amo!
     "Wag kang magpapagabi ng uwi!"
     "Wag ka masyadong magpapawis at baka magkasipon ka!"
     "Iben, sumunod ka sa sinasabi ng mga kuya mo!"
     Sa mura kong edad ay natutunan ko nang magpasailalim sa napakaraming amo. Kaya kalimitang kinakalaban ko ang nauna sa akin, si Angelo. Hanggang ngayon ay meron pa rin kaming pinagtatalunan pero hindi na katulad ng dati na nauuwi sa iyakan at pagsumbong kay Mama o kay Papa.
     Sa pagdaan ng araw ay kinailangan ko na ring mag-aral kaya ipinasok ako ni Mama sa Day Care Center bilang kinder. Noong una ay nahirapan ako hindi sa mga leksyon kundi sa pakikibagay sa aking mga kaeskwela. May isa pa nga sa kanila na walang ginawa kundi ang ipahiya ako araw araw. Sa pagtatapos ko bilang kinder, nabigyan ako ng award bilang ikalawa sa pinakamahusay sa amin! Naging masayang karanasan ang pag-aaral sa akin pero mas naging masaya ako noong nagbakasyon na.
Sa bakasyong iyon ay napabilang ang aking ina sa "Pera o Bayong" ng Magandang Tanghali Bayan bilang contestant. Bagama't hindi nanalo si Mama ay isa yong nakakatuwang karanasan dahil nakita namin si Mama sa telebisyon. Pagdating niya sa bahay ay may pasalubong siyang laruan sa akin na sa kalaunan ay iniyakan ko dahil naiwala ko rin, kagaya ng mga nauna kong laruan.
     Pagkatapos ng mahabang bakasyon ay pumasok na ako bilang Grade1 sa Fule Almeda. Sa unang araw ay naging maingat ako sa paggalaw at tahimik sa klase ngunit habang tumatagal ay naging pasaway ako at naging isang sakit sa ulo ng aking mga guro.
pamula sa kaliwa ay si angelo, mark jun, michael glenn at ako noong limang taong gulang


     May isang pagkakataon naman na napagalitan ako ng aking guro dahil sa kung paano ako magsulat. Para daw tren ang sulat ko na ang akala ko pa ay tama. Napagalitan din ako ng ina ko dahil dun. Tumagal ang aking pagiging pasaway hanggang ikatlong baitang. Nang nasa ikaapat na baitang na ako nang pumasok sa isip ko na dapat na akong kumilos ng ayon na hindi katulad ng dati na halos araw araw akong pinapupunta sa office ng principal at pinaglilinis ng silid aralan o kaya ay ng banyo.
     Nagbago ang lahat na para akong binenditahan at nawala ang masama kong ugali.
Pagdating ko sa ikaanim na baitang ay nagsumikap akong pataasin ang aking mga marka. Sa eded ko ring ito naranasan ko na magtrabaho para may maipandagdag sa aking baon. Tuwing Sabado at Linggo kasi ay tumutulong ako sa isang Buko Pie Factory na malapit sa amin. Ako ang naglalagay ng mga nalutong buo pie sa plastic at nagpapatas ng mga iyon sa kahon nito. Ako ang nagdesisyon na pumasok bilang manggagawa dahil wala naman akong gaanong ginagawa sa bahay. Kaya imbes na tumambay ay nandun ako't gumagawa ng pagkakakitaan. Sinigurado ko kay Mama na hindi bababa ang aking marka kahit na may mahalaga akong ginagawa sa mga araw na walang pasok.
     Naging maganda naman ang aking pagpupursige sa pag-aaral dahil nakatapos ako ng elementarya at pinarangalan pa bilang "Boy Scout of the Year."
     Sa wakas ay pumasok na rin ako bilang estudyante sa Mataas na Paaralan at dito nga ako napadpad, sa Col. Lauro DF. Dizon Memorial National High School, na dati ay SPCNHS Annex V.
     Napabilang ako sa ikatlong seksyon. Panibagong pakikibagay, ka-eskwela at magiging kaibigan, ito ang tunay na kahulugan ng unang taon sa high school. Nakilala ko ang aking mga kamag-aral na kalaunan ay naging kaibigan ko din. Doon din nabuo ang barkadahan namin na noong una ay naging mahirap sa pakikisama dahil na rin siguro sa iba't ibang ugali at nanggaling sa iba't ibang paaralan sa iba't ibang antas ng pamumuhay. Ngunit natapos ang taon na naging maganda ang aking marka at walang naging problema sa aming barkadahan. Nagkaroon man ng konting di pagkakaunawaan sa pagitan namin ay isa lang iyong natural na pangyayaring nagiging pundasyon ng tunay na pagkakaibigan namin.
     Nagkaroon kami ng dalawang bagong kaklase ng sumunod na taon na naging parte rin ng lumalago naming pamilya sa Dizon. Pangit mang pakinggan ngunit sa kanila din ako natutong nag-inom, mag cutting classes at kung anu ano pang kalokohang hindi ko naranasan bilang batang estudyante, tulad na lang nang minsang nagkakasundo kaming buong magkaklase na indyanin ang panghapong pasok at isinasara namin ang aming silid! Isa pang kalokohan ay ang pagiging "isa" namin sa mga exams. Literal na pare-pareho ang aming sagot at nakakakuha ng iisa't pare-parehong marka. Alam naman naming hindi iyon ang dapat na gawain ng isang matinong estudyante ngunit nakakatuwang isipin na kabilang ka sa isang grupong masaya at nagkakasundo sa mga trip. Hindi ko malilimutan ang mga karanasang 'yon sa ikalawa kong taon sa sekondarya.
     Para sa akin, memorable ang pag-aaral hindi dahil sa mga leksyon na tinuturo sa bawat subjects kundi dahil sa kapasawayan na ginagawa mo kasama ng mga itinuturi mong kaibigan at natututunan ang mga aral ng buhay na nakukuha mo sa sarili mong kamag-aral.
     Nagkahiwa-hiwalay na kami nung tumuntong na kami sa ikatlong taon sa hayskul. Ang iba kasi ay tumaas ng seksyon, may ibang bumaba at may naiwan. Gayunman ay nagkakasama pa rin kami sa mga oras na walang klase.
     JS... ito yung panahong pwede mong maisayaw ang mga espesyal na taong nakilala mo sa loob ng mga taong nanatili ka sa paaralan. Ito na siguro ang alaalang hindi ko malilimutan bilang isang Junior student.
     Sa ikaapat na antas ko na at masasabi kong isa na akong "pure blooded B!" Dito ko nakilala nang husto at naging best friend ang itinuturing kong pinakamalapit na kaibigan. Noong una ay higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya, pero mas mabuti ang relasyon namin ngayon bilang magkaibigan. Dito ko rin naranasang manligaw at ma-knock down ng isang babae. Sa ngayon ay may karelasyon ako na nakilala ko sa cell phone.
     Nagkaroon ulit ng JS Prom na sa una'y inakala naming hindi magiging masaya ngunit ang Prom ngayon ay isang hit para sa akin. Kahit nga hindi nakasama ang lahat ng kaklase ko ay isa pa rin itong matagumpay at masayang selebresyon bago kami magtapos ng high school.
     Ang inyong lingkod pala ay si Devin Diamante Hita na nabigyang buhay noong ika-12 na Disyembre 1994. Isang mabuting anak, kabarkada, pasaway at natututo, isang Pure Blooded B, at isang proud Dizonian!
nang nag CHAMPION ang 4BLASERS sa CHEERDANCE, ako yung nasa ibaba na may hawak na jersey
pamula sa kaliwa si bryan, meldwin, musa, ako, kevin, paulo, lester, xyrex at si king. Litrato ito ng kame ay nag js.

Ang Talambuhay ni Mary Ann Guerrero Ibale(Ang taong hindi sumusuko sa buhay)




  
Ako noong nasa HighSchool na ako


         Ako si Mary Ann Guerrero Ibale. Nabuo ako dahil sa pagmamahalan ng aking magulang na sina Marivic Guerrero Ibale at Gilbert Raquel Ibale. Ako ay labinlimang taong gulang. Ipinanganak ako noong Agosto 23,1995. Ipinanganak ako sa Brgy. Sta. Isabel San Pablo City. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Ang pangalan ko ay kinuha sa pangalan nang aking mama. Ang aming pamilya ay masaya at puno nang pagmamahal.


            Noong ako ay sanggol pa lamang, Ikinuwento sa akin ngakina inna muntikan na daw akong masunog. Nawalan ng kuryente noon, nagsindi ang mama ko na kandila at inilagay sa laruang plastik.Nakatulog ang mama ko kaya't hindi niya alam na nasusunog na ang plastik na laruan na malapit sa aking ulunan. Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil walang nangyari sa akin. Ang kwento ng aking mama ay parang mayroon daw gumising sa kanya at doon nakita niya na nasusunog na ang plastik na laruan. 
          
   Maaga akong nag-aral. Limang taong gulang pa lamang ako ay pumasok na ako sa paaralang A.M.M.E.S. bilang kinder. Dito ako nagkaroon ng bagong mga kaibigan at bagong mga kakilala ngunit ang hindi ko makakalimutan ang pangaaway sa akin ng aking isang kaklase. Sinasaktan niya ako,kinukurot at pinapalo. Hindi ko siya pinapatulan dahil tahimik lang ako at sobrang mahiyain pa. Sa kabila ng mga pagtitiyaga ko ay nakapagtapos ako ng kinder. Dahil pa ako naging saling pusa lang ako noong nasa unang baitang. Hindi na ako nahirapan dahil kakilala ko na ang aking mga kaklase dahil naging kamag-aral ko sila noong kinder. At ang dating umaaway sa akin ay hindi ako sinasaktan sa halip naging magkaibigan na kami. Nagkaroon ulit ako ng mga bagong kaibigan. Tuwing recess ay sabay sabay kaming kumakain at pagkatapos ay naglalaro.Pagkatapos noon ay bumabalik na ulit kami sa aming silid aralan. Dahil sa natuto akong nagbasa ay nakapasa ako ng grade one. Dahil doon nag-Jollibee kami ng aking mama at masaya rin kami dahil malapit na uli ako magkaroon ng kapatid. Anim na taong gulang ako ng ako ay masundan. Tuwang tuwa ako dahil lalake ang aking kapatid. Hindi naiwasang sa kabila ng katuwaan ay nakadama ako ng lungkot at selos. Natapos ang grade 2 at grade 3 ngunit ako ay nasa ikatatlong baytang ay hindi ko masyado pinagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral. Nalilibang ako sa paglalaro na nagbunga sa pagbaba ng aking marka. Bumaba ang aking seksyon kasama ang aking kaibigan. Hindi ako nahirapan dahil kasama ko naman siya. Dito ay panibagong kaibigan ang aking nakilala. Natapos namin ang grade 4 at nakatuntong na ng grade 5. Dito ay pinabuti ko na ang aking pag-aaral at nagbunga naman ang pagsisipag kong ito na naging resulta para ako ay mapabilang sa honorole ng aming section. Masayang masaya ako noon dahil ito ang unang at huling beses na nakatanggap ako ng parangal. Noong nasa ika-anim na baitang ako ay tumaas muli ang aking section. Dito ako ay nahirapan dahil dumami ang aking kakompetensya at hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila at nahihiya ako dahil baka magkamali ang aking sagot.
Ako kasama ang mga kaibigan ko na naglilingkod sa simbahan
Ako kasama ang aking mga kaibigan na ginagawa ang aming activity sa simbahan

Kami nang mga kaibigan ko ay naglingkod sa Panginoon. Mas lalo kaming naging malapit sa Kanya. Naging aktibo kami sa simbahan. Ang aming samahan ay tinawag na youth choir.Tuwing araw nang sabado ay sumisimba kami nang aking mga kaibigan. Maaga kaming dumadating dahil nagpapraktis pa kami nang kakantahin para sa misa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin kaming naglilingkod sa Panginoon. Noon akala ko sa pagsali ko sa isang samahan sa simbahan ang mga ginagawa lang dito ay tulad nang pagdadasal, pagkanta, patulong sa simbahan at paglilingkod sa Diyos. Ngunit nagkamali ako, mayroon din pala ditong pagbobonding, nagkakaroon nang mga activities na nagpapasaya at n agpapatibay ng aming samahan. Sa pagsali ko dito, nagkaroon ako nang mga kaibigan na masasabi kong mapagkakatiwalaan at mahihingian ng mga payo at laging nandyan para tulungan ako. Sila ang mga kaibigan ko na masasabi kong hindi ako iiwan sa oras na ako'y nangangailangan. Sa mga bawat activities na ginagawa namin, mas lalo naming nakikilala ang bawat isa. Mas lalong nahuhubog ang aming katauhan.
Ako kasama ang mga kaibigan ko

      Kaya sa pagtuntong ko sa unang taon ng hayskul ay mababa ang naging seksyon ko. napunta ako sa seksyon G. Natatakot ako dahil wala akong kakilala ngunit ng maglaon ay nagkaroon ako ng mga kaibigan dahil masisipag mag aral ang mga ito ay naimpluwensyahan ako. Naging kaibigan ko ditto sina Zylene Agozar, Lurice Delos Reyes, at marami pang iba. Napagbuti ko ang aking pag aaral kaya sa pag tuntong ko sa ikalawang taon ng hayskul ay tumaas ang aking seksyon at napunta sa seksyon E.  Naging masaya kami sa seksyong ito dahil na rin siguro sa masayang kasama ang mga kaklase ko. Dito ko nakilala ang masayahin at masarap kasamang mga kaibigan. Lagi niya akong napapatawa kaya't ako ay nalungkot nung kami ay naghiwalay. Muling tumaas ang seksyon ko sa ikatlong taon ng hayskul. Napunta ako sa seksyon C.Muling nadagdagan ang aking mga kaibigan at ngayon na ako ay nasa ika apat na taon ng hayskul sa seksyon B. Nung una ako ay masyadong tahimik dahil hindi ko pa kilala ang aking mga kaklase. Sa pagtagal ng panahon ang pagiging mahiyain ko ay nabawasan. Bilang 4th year masasabi kong ito ang pinakamasayang taon nang hayskul. Naranasan naming sumayaw sa unang pagbubukas ng SM dito sa San Pablo. Nagkaroon din kami ng mga activities sa eskwelahan tulad nang mini olympics. Bawat seksyonay mayroong kani-kanilang panlaban sa mga laro. Ang hindi ko malilimutan ay ang paglalaban nang bawat seksyon sa cheerdance. Bawat seksyon ay naghanda para dito. Ang aming seksyon ay araw-araw nagpapraktis. Lahat kami ay nagpakapagod at naghirap. Sa kabila ng init at pagod ay kinakaya namin para sa aming seksyon. Pero naging masaya kami dahil nagbunga lahat nang aming pinaghirapan. Kami ang hinirang na kampeon. Hindi rin kami mananalo kung hindi dahil sa magaling na nagturo sa amin. Lahat kami ay nagpapasalamat sa kanya dahil pinagtiyagaan nita kaming turuan. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga kaibigan ko sina Anna Nicole Reyes, Judy Ann Rosadino, Nicole Silvestre at Paulynne Hernandez. Dito ko nakita ang pagkakaisa ng lahat at hinding hindi ko makakalimutan.
Sa darating na pagtatapos namin. Masasabi kong masaya at malungkot ito na mangyayari sa aking buhay. Masasabi kong masaya dahil makakatapos na ako nang hayskul at haharapin ang panibagong yugto ng aking buhay. Masasabi ko rin namang malungkot dahil magkakalayo na kami ng aking mga kaibigan. Mamimis ko ang pagtatawanan at pag-aasaran namin sa isa't isa. Lahat yon ay mamimis ko kahit na ang pag-aawayan namin na madali din naman naming naaayos.
Ako kasama ang aking mga kaklase

                                      Ngayon nagpapasalamat ako sa Diyos at sa aking mga magulang dahil kung hindi sa kanila hindi ko makikita ang magandang kapaligiran.At hindi ko mararanasan ang masasayang pangyayaring ito. Sana sa susunod ay muli ko itong maranasan.
                 Ito ang aking talambuhay.Salamat.