Devin Hita

Devin Hita

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Mary Ann Guerrero Ibale(Ang taong hindi sumusuko sa buhay)




  
Ako noong nasa HighSchool na ako


         Ako si Mary Ann Guerrero Ibale. Nabuo ako dahil sa pagmamahalan ng aking magulang na sina Marivic Guerrero Ibale at Gilbert Raquel Ibale. Ako ay labinlimang taong gulang. Ipinanganak ako noong Agosto 23,1995. Ipinanganak ako sa Brgy. Sta. Isabel San Pablo City. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Ang pangalan ko ay kinuha sa pangalan nang aking mama. Ang aming pamilya ay masaya at puno nang pagmamahal.


            Noong ako ay sanggol pa lamang, Ikinuwento sa akin ngakina inna muntikan na daw akong masunog. Nawalan ng kuryente noon, nagsindi ang mama ko na kandila at inilagay sa laruang plastik.Nakatulog ang mama ko kaya't hindi niya alam na nasusunog na ang plastik na laruan na malapit sa aking ulunan. Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil walang nangyari sa akin. Ang kwento ng aking mama ay parang mayroon daw gumising sa kanya at doon nakita niya na nasusunog na ang plastik na laruan. 
          
   Maaga akong nag-aral. Limang taong gulang pa lamang ako ay pumasok na ako sa paaralang A.M.M.E.S. bilang kinder. Dito ako nagkaroon ng bagong mga kaibigan at bagong mga kakilala ngunit ang hindi ko makakalimutan ang pangaaway sa akin ng aking isang kaklase. Sinasaktan niya ako,kinukurot at pinapalo. Hindi ko siya pinapatulan dahil tahimik lang ako at sobrang mahiyain pa. Sa kabila ng mga pagtitiyaga ko ay nakapagtapos ako ng kinder. Dahil pa ako naging saling pusa lang ako noong nasa unang baitang. Hindi na ako nahirapan dahil kakilala ko na ang aking mga kaklase dahil naging kamag-aral ko sila noong kinder. At ang dating umaaway sa akin ay hindi ako sinasaktan sa halip naging magkaibigan na kami. Nagkaroon ulit ako ng mga bagong kaibigan. Tuwing recess ay sabay sabay kaming kumakain at pagkatapos ay naglalaro.Pagkatapos noon ay bumabalik na ulit kami sa aming silid aralan. Dahil sa natuto akong nagbasa ay nakapasa ako ng grade one. Dahil doon nag-Jollibee kami ng aking mama at masaya rin kami dahil malapit na uli ako magkaroon ng kapatid. Anim na taong gulang ako ng ako ay masundan. Tuwang tuwa ako dahil lalake ang aking kapatid. Hindi naiwasang sa kabila ng katuwaan ay nakadama ako ng lungkot at selos. Natapos ang grade 2 at grade 3 ngunit ako ay nasa ikatatlong baytang ay hindi ko masyado pinagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral. Nalilibang ako sa paglalaro na nagbunga sa pagbaba ng aking marka. Bumaba ang aking seksyon kasama ang aking kaibigan. Hindi ako nahirapan dahil kasama ko naman siya. Dito ay panibagong kaibigan ang aking nakilala. Natapos namin ang grade 4 at nakatuntong na ng grade 5. Dito ay pinabuti ko na ang aking pag-aaral at nagbunga naman ang pagsisipag kong ito na naging resulta para ako ay mapabilang sa honorole ng aming section. Masayang masaya ako noon dahil ito ang unang at huling beses na nakatanggap ako ng parangal. Noong nasa ika-anim na baitang ako ay tumaas muli ang aking section. Dito ako ay nahirapan dahil dumami ang aking kakompetensya at hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila at nahihiya ako dahil baka magkamali ang aking sagot.
Ako kasama ang mga kaibigan ko na naglilingkod sa simbahan
Ako kasama ang aking mga kaibigan na ginagawa ang aming activity sa simbahan

Kami nang mga kaibigan ko ay naglingkod sa Panginoon. Mas lalo kaming naging malapit sa Kanya. Naging aktibo kami sa simbahan. Ang aming samahan ay tinawag na youth choir.Tuwing araw nang sabado ay sumisimba kami nang aking mga kaibigan. Maaga kaming dumadating dahil nagpapraktis pa kami nang kakantahin para sa misa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin kaming naglilingkod sa Panginoon. Noon akala ko sa pagsali ko sa isang samahan sa simbahan ang mga ginagawa lang dito ay tulad nang pagdadasal, pagkanta, patulong sa simbahan at paglilingkod sa Diyos. Ngunit nagkamali ako, mayroon din pala ditong pagbobonding, nagkakaroon nang mga activities na nagpapasaya at n agpapatibay ng aming samahan. Sa pagsali ko dito, nagkaroon ako nang mga kaibigan na masasabi kong mapagkakatiwalaan at mahihingian ng mga payo at laging nandyan para tulungan ako. Sila ang mga kaibigan ko na masasabi kong hindi ako iiwan sa oras na ako'y nangangailangan. Sa mga bawat activities na ginagawa namin, mas lalo naming nakikilala ang bawat isa. Mas lalong nahuhubog ang aming katauhan.
Ako kasama ang mga kaibigan ko

      Kaya sa pagtuntong ko sa unang taon ng hayskul ay mababa ang naging seksyon ko. napunta ako sa seksyon G. Natatakot ako dahil wala akong kakilala ngunit ng maglaon ay nagkaroon ako ng mga kaibigan dahil masisipag mag aral ang mga ito ay naimpluwensyahan ako. Naging kaibigan ko ditto sina Zylene Agozar, Lurice Delos Reyes, at marami pang iba. Napagbuti ko ang aking pag aaral kaya sa pag tuntong ko sa ikalawang taon ng hayskul ay tumaas ang aking seksyon at napunta sa seksyon E.  Naging masaya kami sa seksyong ito dahil na rin siguro sa masayang kasama ang mga kaklase ko. Dito ko nakilala ang masayahin at masarap kasamang mga kaibigan. Lagi niya akong napapatawa kaya't ako ay nalungkot nung kami ay naghiwalay. Muling tumaas ang seksyon ko sa ikatlong taon ng hayskul. Napunta ako sa seksyon C.Muling nadagdagan ang aking mga kaibigan at ngayon na ako ay nasa ika apat na taon ng hayskul sa seksyon B. Nung una ako ay masyadong tahimik dahil hindi ko pa kilala ang aking mga kaklase. Sa pagtagal ng panahon ang pagiging mahiyain ko ay nabawasan. Bilang 4th year masasabi kong ito ang pinakamasayang taon nang hayskul. Naranasan naming sumayaw sa unang pagbubukas ng SM dito sa San Pablo. Nagkaroon din kami ng mga activities sa eskwelahan tulad nang mini olympics. Bawat seksyonay mayroong kani-kanilang panlaban sa mga laro. Ang hindi ko malilimutan ay ang paglalaban nang bawat seksyon sa cheerdance. Bawat seksyon ay naghanda para dito. Ang aming seksyon ay araw-araw nagpapraktis. Lahat kami ay nagpakapagod at naghirap. Sa kabila ng init at pagod ay kinakaya namin para sa aming seksyon. Pero naging masaya kami dahil nagbunga lahat nang aming pinaghirapan. Kami ang hinirang na kampeon. Hindi rin kami mananalo kung hindi dahil sa magaling na nagturo sa amin. Lahat kami ay nagpapasalamat sa kanya dahil pinagtiyagaan nita kaming turuan. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga kaibigan ko sina Anna Nicole Reyes, Judy Ann Rosadino, Nicole Silvestre at Paulynne Hernandez. Dito ko nakita ang pagkakaisa ng lahat at hinding hindi ko makakalimutan.
Sa darating na pagtatapos namin. Masasabi kong masaya at malungkot ito na mangyayari sa aking buhay. Masasabi kong masaya dahil makakatapos na ako nang hayskul at haharapin ang panibagong yugto ng aking buhay. Masasabi ko rin namang malungkot dahil magkakalayo na kami ng aking mga kaibigan. Mamimis ko ang pagtatawanan at pag-aasaran namin sa isa't isa. Lahat yon ay mamimis ko kahit na ang pag-aawayan namin na madali din naman naming naaayos.
Ako kasama ang aking mga kaklase

                                      Ngayon nagpapasalamat ako sa Diyos at sa aking mga magulang dahil kung hindi sa kanila hindi ko makikita ang magandang kapaligiran.At hindi ko mararanasan ang masasayang pangyayaring ito. Sana sa susunod ay muli ko itong maranasan.
                 Ito ang aking talambuhay.Salamat.

3

No comments:

Post a Comment